Ang Pamilya ay ang pinaka malaking biyayang ibinigay ng Panginoon sa ating buhay.

May iba’t-ibang kuwento tayo tungkol sa ating Pamilya. May mga pamilyang masasayang namumuhay at may pamilya din na malungkot dahil nagkakahiwalay ang mga magulang. Ikaw? San ka ba nabibilang sa pamilyang iyan?

Ako? medyo malungkot ang kuwento ng aming pamilya dahil naghiwalay ang aking ama at ina ngunit masaya ako para sa kanilang dalawa at nagpapasalamat pa din ako dahil patuloy pa rin silang sumusuporta sa amin magkakapatid. Binibigay pa rin nila kung ano ang kailangan at gusto namin. Kahit hindi na kompleto ang aming pamilya, nagsusumikap pa rin akong mag-aral dahil alam kong importante ang edukasyon sa aking buhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

May itinuro ang aking magulang sa akin na hinding hindi ko talaga makakalimutan yun ay ang Tumulong sa mga taong nangangailangan at dapat ‘wag tayong maging madamot sa ating kapwa dahil kung ano ang ginawa mong maganda sa iba ay maibabalik rin ‘yan saiyo.
Kaya, huwag nating kalimutan ang mga itinuro ng ating mga magulang sa atin dahil malaki ang maitutulong niyan sa ating buhay. Dapat natin pahalagahan ang mga importanteng tao sa ating buhay lalong lalo na ang ating Pamilya. Dapat natin mahalin ng lubusan ang ating mga magulang hanggat nabubuhay pa sila at dapat din tayong mag-aral ng mabuti upang may maganda tayong kinabukasan.